Friday, December 26, 2008

Self-Realization Letter

Magtatapos na ang taon. It's time for me to write myself a self-realization letter. Para katukin ang kunsyensya ko kahit paminsan-minsan lang.

Dear Me,

Masaya itong year na to kahit marami akong naging problema. It was really problema after problema, pero I worked it out just right pa naman. Anyways, despite having many mountains and rivers high and deep enough to surpass, I have no regrets. I don't look at it as an opressor rather as a challenge. I don't regret anything that blew my way. Matatag pa rin, parang bamboo. Pero there is one thing I regret the most. Kami ni Trixie ay lubusang nagreregret to the nth power regret. That is, being friends with Tootsie Roll (wag nyo nang alamin! sa mga may alam na, secret lang. sa kung sino man ang nagiisip na sila to, maaring ikaw, maaring hindi. Kung ikaw ang nagbabasa nito, ikaw leche, gagong babae na naging maliking perwisyo sa buhay ko. Eto lang ang masasabi ko sayo: Nagsisi ako nang lubos na nakilala pa kita. Walang nangyari sakin kundi OP at lahat-lahat. Sumama ka pa sa kaibigan ko. Nagamit lang akong tulay! Ano ako? Skyway? Overpass?...shet, andami ko nang sinulat dito sa parenthesis.carry on). This serves as a lesson for me: BIRDS OF THE SAME FEATHERS FLOCK TOGETHER!!!! ALANGAN NAMANG MAYA KA TA'S SA MGA AGILA KA NASAMA..ABNOY! ehehe. Anyways, nalaman ko rin this year na walang makakapalit sa dalawa kong best friends na si Renee Anne at Alyanna, moral support friends Jazmine and Sarah, long distance pal Renelle V., guy friends Mark and Jopet (ay sori po! sori kung nakalimutan kita. kaibigan ba kita?) and other friends I'd like to call friends ^.^

NATUTUNAN KO THIS YEAR:

  • -pag nagsipag ka, aasenso ka (totoo naman eh...kahit sa buhay)
  • -malakas ang impluwensya, mabuti o masama
  • -don't let others influence you...be the influence
  • -hindi lahat ng problema sa kaibigan sinasabi. Dapat alam din ng magulang dahil mas alam yan ng mga nakatatanda dahil sila ang may karanasan sa buhay.
  • -walang mangyayari pag nagsinungaling ka. Mayroon man, masesermunan ka.
  • -hindi porque't tinanggap ang sorry, pinatawad ka na. Sa kalalim-laliman ng puso, may galit pa rin yan.
  • -dapat i-enjoy ang buhay bata dahil lahat ng tao nagiging bata pero mayroong mga hindi nakakaranas ng pagkabata.
  • -ang sobrang pagiisip ay nakakapagdulot ng pagkaulyanin sa sariling edad. Maiisip mo na 34 ka na ngunit bigla mong maaalala na 14 ka lang pala.
  • -birds of the same feathers flock together...laging tandaan!!!!
  • -ang kahulugan ng birthday ay hindi sa dami ng regalong natanggap ngunit sa dami ng taong nagunita ang pinakamasayang araw ng buhay mo.
  • -pag nagpakilala ka ng kaibigan sa isa mo pang kaibigan, malaki ang tsansang ikaw pa ang mawalan ng kaibigan.
  • pag napipikon sa kaibigan, chill lang. Dahil ang mga kaibigan mong totoo ay ang mga kaibigan na laging nasa tabi mo sa hirap at ginhawa (iluvualyannaandren)
  • nagkaroon ng civil war...sa school namin. Ang nanalo? Wala.
  • huwag maliitin ang kakayahang makapasa sa Gen.Math. Yun pang di nagaaral, yun pa ang pumapasa. Di mo kailangang mag all-night. Basta naintindihan mo, kahit 15 minutes lang yan, you're good to go!
  • huwag kang matakot sumigaw at umiyak. Bakit, wala ka bang karapatang ipahayag ang damdamin mo?!

Yun ang mga natutunan ko ngayong year na to. Merry Christmas and a Happy New Year! Jahahaha

Yours,

Pauleen Flake

No comments: